Tagalog

Memorare

Alalahanin mo,
O lubhang maawaing Birheng Maria,
na kailanma’y hindi nabalitaan
na ang sinumang dumulog sa iyong pagkalinga,
nagsumamo ng iyong tulong,
o humiling ng iyong pamamagitan
ay naiwang walang tulong.

Dala ng pagtitiwalang ito,
dumudulog ako sa iyo,
O Birhen ng mga birhen, aking ina;
sa iyo ako lumalapit,
sa iyong harapan ako nakatayo,
makasalanan at nagdadalamhati.

O Ina ng Verbo na Nagkatawang-tao,
huwag mong hamakin ang aking mga kahilingan,
kundi sa iyong awa
dinggin at tugunin mo ako.

Ibahagi ang Pahinang Ito: