Tagalog

Pagsisiyasat sa Kalaliman

Pagsisiyasat sa Kalaliman

Mga Aral at Pagninilay ayon kay San Ignacio
Inayos ayon sa Taong Liturhiko

Mabibili bilang paperback at eBook:
Amazon – Google Play– iTunes – Barnes & Noble

Alam mo ba kung paano manalangin? Alam mo ba kung paano kilatisin ang kalooban ng Diyos? Paano mo pinakamainam na matutupad ang misyon ng iyong buhay at maibibigay sa Diyos ang pinakadakilang kaluwalhatian? Kabilang ang mga ito sa mga pinakapangunahing tanong sa buhay. Isa sa pinakamabubuting paraan upang masagot ang bawat isa sa mga tanong na ito ay sa pamamagitan ng mga espirituwal na turo ni San Ignacio de Loyola.

Ang Pagsisiyasat sa Kalaliman ay isang aklat na may tatlong bahagi na naglalahad ng espirituwal na karunungan at mga aral na itinuro ni San Ignacio sa Mga Pagsasanay na Espirituwal.ย Inilalahad ang nilalaman sa paraang maisasama mo ito sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Inilalahad ng Unang Bahagi ang isang maikling pagpapakilala sa buhay ni San Ignacio de Loyola, isang pangkalahatang paglalahad ng Mga Pagsasanay na Espirituwal, at isang pangkalahatang paglalahad ng sampung aral na itinuro ni San Ignacio sa Mga Pagsasanay na Espirituwal.

Ang Ikalawang Bahagi ay naglalaman ng animnapu’t siyam na ginabayang pagninilay sa mga paksang inirerekomenda ni San Ignacio para sa kanyang 30-araw na rekoleksiyon. Isinulat ang mga pagninilay na ito gamit ang mga pamamaraan ng pagninilay, kontemplasyon at paggamit ng mga pandama na itinuro ni San Ignacio, at pinakamainam na gamitin ang mga ito sa isang banal na oras ng adorasyon o sa iyong tahimik na oras ng pananalangin bawat araw.

Ang Ikatlong Bahagi ay nagbibigay ng mga karagdagang materyal sa pananalangin na magagamit sa buong taon.

MGA NILALAMAN

Panimula: Paano Gamitin ang Aklat na Ito na May Tatlong Bahagi


Unang Bahagi: Talambuhay ni San Ignacio at mga Aral Mula sa Mga Pagsasanay na Espirituwalย 


Ikalawang Bahagi: Mga Pagninilay ayon kay San Ignacio na Inayos ayon sa Taong Liturhiko


Ikatlong Bahagi: Mga Karagdagang Materyal sa Pananalangin na Magagamit sa Buong Taon


Mabibili bilang paperback at eBook:

Amazon – Google Play– iTunes – Barnes & Noble


Karagdagang Materyal:

Online: Mga Pagsasanay na Espirituwal ni San Ignacio de Loyola – Salin ni P. Elder Mullan S.J.

Ibahagi ang Pahinang Ito: