Gamitin mo ang iyong oras upang makilala Ako.
Pakinggan mo Ako at hayaan mong ibigay Ko ang Aking sarili sa iyo.
Binibigyan kita ng oras na magagamit mo.
Binibigyan kita ng oras na maaari mong tamasahin.
Mapayapa mong tanggapin ang kaloob na ito.
Pamahalaan mo ang oras na kaloob sa iyo
ayon sa patnubay na hatid Ko sa iyo.
Pakinggan mo ang mga salitang sinasabi Ko sa iyo sa pamamagitan ng iba.
Tanggapin mo ang mga salitang ito ng karunungan mula sa Akin
at pamahalaan mo ang iyong mahalagang oras ayon sa kaalamang ito.
Huwag mong sikaping unawain ang lahat ng bagay,
sapagkat mapapagod ka sa gayong pagsisikap.
Maging handa kang magtiwala sa mga salita ng karunungan
na ibinibigay sa iyo.
Bitiwan mo ang iyong kawalan ng tiwala
na hindi umaakay sa iyo patungo sa Akin.
Hindi kita sasaktan.
Magtiwala ka sa Akin gaya ng pagtitiwala ng isang bata sa kanyang ina at ama.
Hayaan mong akayin kita.
Hayaan mong tulungan kita.
Hayaan mong pagpalain kita.
Hayaan mong pagalingin kita sa iyong kawalan ng tiwala.
Ipaubaya mo sa Akin ang iyong oras.
Kung gagawin mo ito,
ibibigay Ko sa iyo ang lahat ng pinagpala
at hindi mo nalalaman.
