Tagalog

PANANALANGIN

Sa pakikipag-usap mo sa Akin, matutulungan kitang maunawaan
  ang mga kinakaharap mo sa iyong buhay.
Dapat itong maging payapang panahong ginugugol sa piling Ko.

Kailangan nating makilala nang lubos ang isa’t isa.
Gawin mo ito sa pakikipag-usap sa Akin at sa pakikinig, pagmamasid,
  at pagiging mulat sa mga ginagawa Ko sa iyong paligid.

Ito ang paraan Ko ng pagpapakita sa iyo
  na nais Kong maging maligaya ka at puspos ng kagalakan.
Dapat maging bukas at puspos ng kapayapaan ang iyong panalangin.
Maglaan ka ng panahon sa piling Ko upang makilala mo Ako nang lubos.

Bibigyan kita ng maraming tanda at pagpapala
  upang matulungan kang magkaroon ng higit na tiwala sa iyong mga panalangin.

Huwag kang matakot na ipagkatiwala sa Akin ang iyong mga pasanin,
  sapagkat maliliit ang mga ito sa Aking paningin.

Habang tumatagal, tutulungan kitang humiling ng higit pa.
Sabihin mong mahal mo Ako at isabuhay ang pagmamahal mong ito sa Akin.
Magagawa mo ito sa pakikitungo sa mga nasa paligid mo.

Huwag kang maging makasarili o mainipin
  sa panahong kasama mo Ako,
  sapagkat hindi ito hahantong sa Aking kapayapaan.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: