Tagalog

PAG-IBIG

Ang pinakamahalaga
  ay ang Aking pag-ibig sa iyo.
Ito ay tulad ng ulan
  na naglilinis sa lahat
  ng pinapatakan nito.
Ito ay tulad ng araw
  na nagbibigay ng ginhawa
  sa lahat ng nabubuhay.
Ito ay tulad ng hangin
  na nagbibigay ng buhay sa lahat
  ng nangangailangan ng sustento nito.

Kung ganito ang katangian ng pag-ibig,
  tanggapin mo ang mga kabutihang dulot nito.
Tanggapin ang mga pagpapala ng pag-ibig
  at ibahagi ang mga bunga nito
  sa mga nakakasalamuha mo.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: