Tagalog

MGA KALOOB NA ESPIRITUWAL AT PAGBIBIGAY

Ang panahong ito na nasa iyo ay kaloob Ko.
Gamitin mo ito nang buong pag-iingat,
  sapagkat magwawakas ito ayon sa Aking pasiya.
Gamitin mo ang kaloob na ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng iba.
Tulungan mo silang masiyahan sa kanilang mga kaloob,
  gaya ng ginagawa Ko para sa iyo.

Nawa’y sa Akin mo hanapin ang iyong mga kaloob.
Nawa’y maghatid ka ng saganang kaligayahan
  sa mga nasa paligid mo.
May mahahanap pa bang pagbibigay na higit kaysa rito?

Maghatid ka ng kapayapaan sa mga nakakasalamuha mo.
Bigyan mo sila ng kagalakan at kapayapaan.
Maghatid ka ng buhay sa mga dumaranas ng sakit.
Tulungan mo silang malampasan ang panahong ito ng pagdurusa.

Maging mahinahon ka sa mga nagagalit sa kanilang kalagayan.
Maghatid ka sa kanila ng karunungan kapag nagkrus ang inyong mga landas.
Hayaang mabanaag ang habag sa iyong mga mata
  at umabot ito sa kanilang pagdurusa.
Ang iyong lakas ang maghihilom sa kanilang sakit.

Inilalapit Ko sila sa iyo upang mapagaling.
Hayaang dumaloy sa kanila ang Aking lakas.
Kailangan ng mga taong ito ang Aking lakas.
Hayaan mong gamitin kita para sa layuning ito.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: