Tagalog

Pag-aayuno at Pangingilin

Ang Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo ay mga araw ng obligadong pag-aayuno at pangingilin para sa mga Katoliko. Bukod dito, ang mga Biyernes sa panahon ng Kuwaresma ay mga araw ng obligadong pangingilin.

Para sa mga kasapi ng Simbahang Katolika ng Ritung Latin, ang mga tuntunin sa pag-aayuno ay obligado mula sa edad na 18 hanggang 59. Sa pag-aayuno, pinahihintulutan ang isang tao na kumain ng isang buong pagkain, gayundin ng dalawang mas magaang pagkain na kapag pinagsama ay hindi katumbas ng isang buong pagkain. Ang mga tuntunin tungkol sa pangingilin sa pagkain ng karne ay may bisa sa mga kasapi ng Simbahang Katolika ng Ritung Latin mula sa edad na 14 pataas

Ang mga kasapi ng mga Simbahang Katolika sa Silangan ay dapat sumunod sa partikular na batas ng kanilang sariling Simbahang sui iuris.

Kung maaari, ipinagpapatuloy ang pag-aayuno sa Biyernes Santo hanggang sa Vigilia ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (sa gabi ng Sabado Santo) bilang “pag-aayunong paskuwal” upang parangalan ang pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoong Hesus, at upang ihanda ang ating sarili na mas lubos na makibahagi at mas handang ipagdiwang ang kanyang Muling Pagkabuhay.


Pinagmulan: usccb.org

Ibahagi ang Pahinang Ito: