
Diyos, aming Ama, mapagmahal at maawain, pagbuklurin at panatilihin ang lahat ng pamilya sa ganap na pagkakaisa sa pagmamahalan at pagtutulungan.
Itanim sa bawat kasapi ang diwa ng pag-unawa at pagmamahal sa isaโt isa.
Ilayo sa kanila ang mga alitan at sama ng loob, at sa kanilang paminsan-minsang pagkukulang, itanim sa kanila ang pagpapatawad at kapayapaan.
Nawaโy maging mabuting halimbawa ang pagmamahalan at pagkalinga ng mga magulang sa isaโt isa.
Itanim sa mga anak ang paggalang sa sarili upang igalang nila ang kapwa at lumaking may sapat na gulang at kakayahang tumayo sa sariling mga paa.
Nawaโy maging tanda ng buhay Kristiyano, dito at sa kabilang buhay, ang pagmamahalan at paggalang sa isaโt isa sa mga pamilya, sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon at Tagapagligtas.
Amen.