Tagalog

Panalangin kay Kristong Hari

O Panginoong aming Diyos, Ikaw lamang ang Kabanal-banalang Hari at Pinuno ng lahat ng bansa.

Dumadalangin kami sa Iyo, Panginoon, na may malaking pag-asang tumanggap mula sa Iyo, O Banal na Hari, ng awa, kapayapaan, katarungan at lahat ng mabubuting bagay.

Ipagsanggalang Mo, O Panginoong aming Hari, ang aming mga pamilya at ang aming lupang sinilangan.

Ingatan Mo kami, isinasamo namin, O Lubos na Tapat.

Ipagsanggalang Mo kami laban sa aming mga kaaway at sa Iyong Makatarungang Paghuhukom.

Patawarin Mo kami, O Kataas-taasang Hari, sa aming mga kasalanan laban sa Iyo.

Hesus, Ikaw ay Hari ng Awa.

Marapat kaming tumanggap ng Iyong Makatarungang Paghuhukom

Kaawaan Mo kami, Panginoon, at patawarin Mo kami.

Nagtitiwala kami sa Iyong Dakilang Awa.

O Haring lubhang kamangha-mangha, yumuyukod kami sa harap Mo at dumadalangin;

Nawa’y kilalanin sa lupa ang Iyong Paghahari, ang Iyong Kaharian.

Amen.


Higit Pang mga Panalangin

Araw-araw na Pagninilay

Ibahagi ang Pahinang Ito: