Tagalog

PAGGABAY

Kapag lumapit ka sa Akin
  upang humingi ng direksiyon at gabay,
  sasagot Ako.
Huwag mong pangunahan ang mga sagot na ipagkakaloob Ko sa iyo bilang pagpapala.

Pakinggan mo ang mga tanda at impluwensiyang
  hindi mo inaasahan.
Manalangin ka nang madalas;
  makatutulong ito sa iyo
  upang matukoy kung ano ang katotohanan.

Huwag kang magmalabis sa iyong pagtugon,
  sapagkat hindi Ko ginigipit
  ang mga humihingi ng Aking gabay
  at naghahanap ng direksiyon mula sa Akin.

Gagabayan Ko ang iyong buhay kung hahayaan mo Ako.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: