Anong pag-asa ang mayroon kundi ang Aking pag-asa?
Anong pagpapalakas ng loob ang mayroon
kundi ang Aking pagpapalakas ng loob?
Anong pag-ibig ang higit na makapangyarihan kaysa sa Akin?
Kahit isang hininga ay walang kabuluhan
kung wala ang Aking paggabay.
Kahit isang minuto ng iyong araw ay walang saysay
kung wala ang Aking patnubay.
Sundin ang Aking daan at makikita mo ang iyong landas.
Hanapin ang Aking mga paraan at mauunawaan mo ang iyong patutunguhan.
Tanggapin ang Aking mga salita at mamamalayan mo ang Aking plano.
Walang lumilipas na sandali
na hindi ka nasa Aking paningin.
Lagi Akong nasa iyong kalooban.
Hanapin ang Aking presensiya
at alaming Ako ay kasama mo.
Mamalayan mo ang Aking kalikasan
at alaming nagmamalasakit Ako sa iyo.
Hayaang saklawin ng Aking kalikasan ang iyong panahon
upang maghatid sa iyo ng kasiyahan
at pagkakontento sa bawat araw na lumilipas.
