Tagalog

Mga Pagninilay para sa Adbiyento

Panimula sa mga Pagninilay para sa Adbiyento

  1. Isang Bagong Hari
  2. Kristong Hari
  3. Ganap na Pagsuko
  4. Ang Pangangailangan ng isang Tagapagligtas
  5. Ang Fiat ng Ina ng Diyos
  6. Ang Pagdalaw ng Ina at ng Anak ng Diyos

Tampok na Larawan: “Ang Pagpapahayag ng Anghel” ni Leonardo Da Vinci

Talaan ng mga Nilalaman

Mabibili bilang paperback at eBook:

Amazon – Google Play– iTunes – Barnes & Noble


Panimula

Gagamitin ang anim na pagninilay na ito sa Panahon ng Adbiyento bawat taon. Laging nagsisimula ang Adbiyento sa pagtutuon kay Kristo bilang Hari. Pagkatapos, sa kalagitnaan ng Adbiyento, nababaling ang pansin sa mga pangyayaring humantong sa pagsilang ng Haring ito, si Kristong ating Panginoon. Sa pagbaling ng iyong mga mata sa simula ng buhay ni Kristo, inaanyayahan kang hindi lamang talikuran ang kasalanan kundi bumaling din kay Kristo. Ang tanging layunin ng masusing pagtingin sa iyong mga kasalanan sa Mga Pagninilay na Saligan ay ang talikuran ang mga ito. At ang tanging dahilan upang talikuran ang kasalanan ay upang makabaling ka kay Kristo. Siya ang iyong buhay at iyong pag-asa. Siya ang dahilan ng iyong pamumuhay. Ang Kanyang kalooban at ang Kanya mismong Persona ay dapat maging sentro at pundasyon ng iyong pagkatao. At magiging posible lamang ito kung makikilala mo Siya nang malalim, personal, at matalik, at nang may lubos na pagpapaubaya ng sarili.

Susundin ng seryeng ito ng mga pagninilay ang parehong balangkas ng Mga Pagninilay na Saligan para sa iyong mga banal na oras at Lingguhang Pagsusuri ng Budhi, na may bahagyang paglipat mula sa Pitong Pangunahing Kasalanan at Sampung Utos tungo sa mga Di-kasakdalan ng mga Birtud ng Pananampalataya, Pag-asa at Pag-ibig. Unti-unting gamitin ang mas malalim na pagsusuring ito, na nagtutuon sa isang birtud bawat linggo.

 

Mga Pagsasanay sa Kuwaderno

Kung pinili mong gumamit ng kuwaderno o talaarawan, pagkatapos ng bawat banal na oras, maglaan ng panahon upang magtala ng anumang nakaantig sa iyo. Bigyang-pansin ang mga kaisipang iyon, sapagkat sa ganitong paraan lalo nang kumikilos ang Espiritu Santo. Natatangi ka, at nais ng Diyos na sabihin sa iyo ang ilang katotohanang personal mong kailangang malaman sa panahong iyon. Ang paggawa ng maiikling tala tungkol sa anumang namukod-tangi para sa iyo ay makatutulong sa mga darating na linggo kapag binalikan mo ang mga talang ito. Lalong makatutulong ang pagsisimulang hanapin ang mga paulit-ulit na tema upang mas madali mong mapagwari kung ano ang personal na sinasabi sa iyo ng Diyos.

Ibahagi ang Pahinang Ito: