Tagalog

Panalangin sa Hapon

Sikaping maglaan ng ilang minuto upang mapag-isa sa isang lugar. Huminto sandali kahit tatlong minuto lamang. Ang paglalagay ng iyong sarili sa presensya ng Diyos at pagdarasal ng panalanging ito ay makatutulong:

Diyos na lubhang maluwalhati,

Sa paghinto ko sandali sa kalagitnaan ng araw na ito,

inaanyayahan Kita sa sandaling ito ng panalangin.

Hinihingi ko ang Iyong kapatawaran sa anumang pagkukulang ko sa pagmamahal ngayong araw.

Dahil sa aking kapalaluan, inggit, katakawan, kasakiman, kahalayan, katamaran at galit,

nagsusumamo ako ng Iyong kapatawaran.

Muli kong iniaalay sa Iyo ang araw na ito.

Idinadalangin ko ang kababaang-loob, kabutihang-loob, pagpipigil sa sarili, pag-ibig, kalinisang-puri, kasipagan at pagtitiis.

Tulungan Mo ako, Panginoon, na makinig sa Iyong banayad na tinig

at magtiwala sa Iyong patnubay at biyaya.

Sa Iyo ang aking buhay, mahal kong Panginoon.

Sa Iyo ang aking buhay.

Nawa’y wala akong ipagkait sa Iyo.

Nawa’y magampanan ko ang aking mga tungkulin sa araw na ito ayon sa Iyong ganap na kalooban.

Mahal Kita, mahal kong Panginoon.

Mahal Kita nang buong puso.

Tulungan Mo akong mahalin Ka at ang aking kapwa nang buong lakas.

Amen.


Balangkas para sa mga Banal na Oras

Pagsusuri ng Budhi: Pitong Pangunahing Kasalanan

Pagsusuri ng Budhi: Sampung Utos

Lingguhang Pagsusuri ng Budhi para sa Banal na Oras

Pagsusuri ng Budhi: Pananampalataya, Pag-asa & Pag-ibig

Maikling Pagsusuri ng Budhi: Pananampalataya, Pag-asa & Pag-ibig

Mga Panalangin sa Araw-araw

Mga Panalangin sa Umaga

Panalangin sa Hapon

Pangkalahatang Pagsusuri ng Budhi Tuwing Gabi

Pagsisiyasat sa Kalaliman – Buong Talaan ng mga Nilalaman

Unang Bahagi: Kasaysayan ni San Ignacio at mga Aral Mula sa Mga Pagsasanay na Espirituwal

Ikalawang Bahagi: Mga Pagninilay na Ignasiano na Inayos Ayon sa Taong Liturhiko

Ikatlong Bahagi: Mga Karagdagang Materyal sa Panalangin para Gamitin sa Buong Taon

Ibahagi ang Pahinang Ito: