Ama, iniaalay ko sa Iyo ang bagong araw na ito;
habang ginagampanan ko ang aking gawain.
Hinihiling kong pagpalain Mo ang mga nakakasalamuha ko.
Panginoon, idinadalangin ko ang lahat ng lalaki at babae
na nagtatrabaho upang kumita ng ikabubuhay;
ipagkaloob Mo sa kanila ang kasiyahan sa kanilang ginagawa.
Espiritu ng Diyos,
aliwin Mo ang mga walang trabaho at ang kanilang mga pamilya;
sila ay mga anak Mo at mga kapatid ko.
Hinihiling kong tulungan Mo silang makahanap agad ng trabaho.
Amen.
Ni San Ignacio de Loyola