
Sa Iyong kanan ako’y nakabayubay,
Nakikinig sa bawat salita Mo.
Sa Iyong mga panga’y dumikit ang Iyong dila,
Ngunit tinig Mo’y narinig ko pa rin.
Kapatawaran para sa kanila’y hiniling Mo,
Bawat dahilan ay inilahad.
At ang Iyong pusong mapagpakumbaba at maamo
Ay hindi gumanti sa mga pag-alipusta.
Kaya’t naisip ko: โPaano kung ako rin
Ay humingi ng kapatawaran?โ
Ngunit nang lahat kong sala’y maalala,
Hininga ko’y nawala, di makapagsalita.
Bukas ang mga bisig, tinanggap Mo ako
Sa kabila ng lahat ng nagawa ko,
Buong habag Mong itinatanong:
โTinatakbuhan mo pa rin ba Ako?
โNang magdusa Ako sa iyong pagdurusa,
Pasan ang iyong krus,
Nang hanapin Ko ang iyong pag-ibig nang walang napala,
Dinamdam Ko ang pagkawala mo.
โAng maiaalay mo sa Akin
Ngayon upang makabawi
Ay ang katapatan mo sa araw na ito,
At tayo’y magiging magkaibigan.โ
โHesus, alalahanin Mo po ako!โ
Mula sa kaibuturan ako’y sumisigaw.
โSa araw na ito’y makakasama kita
At hindi ka na muling mamamatay.โ
-P. Timothy J. Draper
Mga Panalangin sa Mahal na Araw at Pasko ng Pagkabuhay
