Tagalog

PAG-IINGAT

Ingatan mo ang iyong sarili laban sa panghihina ng loob,
  sapagkat ililigaw ka nito ng landas.
Sa halip, palibutan ka nawa ng pag-asa
  at paghihintay sa mabuti.
Huwag mong hayaang palibutan ka ng mga kaisipang nagpapahina ng loob.
Kung nasa ilalim ka ng kapangyarihan nito,
  itaboy mo ito at balutin ang iyong sarili
  ng baluti ng Aking biyayang nagsasanggalang.

Isuot mo ang lakas ng biyayang ito na nagsasanggalang.
Isuot mo ito sa pagharap mo sa iyong kaaway.

Kapag ikaw ay nasugatan,
  hayaan mong pagalingin ng Aking biyaya ang iyong mga sugat.
Hayaan mong maging bahagi mo ang pagsasanggalang na ito,
  at walang takot na lalamon sa iyo.
Walang hadlang na napakalaki upang hindi mo mapagtagumpayan.
Walang pagkatalong lulukob sa iyo.

Magkaroon ka ng panibagong tapang sa Aking pagsasanggalang,
  sapagkat walang pinsalang makalalamon sa iyo.
Hayaan mong pasiglahin ng Aking pagsasanggalang ang iyong diwa
  at dalhin ka sa harap ng Aking biyaya.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: