Tagalog

Magnificat

Luke 1:46-55

Ipinahahayag ng aking kaluluwa ang kadakilaan ng Panginoon,
nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas
sapagkat nilingap niya ang kanyang abang lingkod.

Mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi:
ang Makapangyarihan ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa akin,
at banal ang kanyang Pangalan.

Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya
sa bawat salinlahi.

Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig,
ikinakalat niya ang mga palalo sa kanilang kapalaluan.

Ibinagsak niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono,
at itinaas ang mga aba.

Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinaalis na walang dala ang mga mayayaman.

Tinulungan niya ang kanyang lingkod na Israel
sapagkat naalaala niya ang kanyang pangako ng awa,
ang pangakong binitiwan niya sa aming mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang mga anak magpakailanman.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak,
at sa Espiritu Santo:
kapara noong una, ngayon,
at magpakailanman.

Amen.


Higit Pang mga Panalangin

Araw-araw na Pagninilay

Ibahagi ang Pahinang Ito: