Balangkas para sa Banal na Oras
Ang bagong Haring pinagnilayan sa naunang pagninilay ay si Kristo mismo. Dinaig Niya ang espiritu ng mundong ito (si satanas) at ibinalik ang pamamahala sa Kanyang mga anak. Susunod ka ba? Isa ka ba sa Kanyang mga anak? (Tahimik na Pagninilay)
Sikaping tingnan ang kaharian sa isang personal na paraan. Ang kaharian ay ang sarili mong kaluluwa. Ang “mga dating gawi” na kailangang baguhin ay ang maraming nakagawiang kasalanan na natutuhan mo sa buong buhay mo. Para sa ilan, ang mga kaugaliang ito ay malalim nang nakaugat sa kanilang pagkatao. Ganito ka ba? Para sa ilan, nagsimula ang masasamang kaugaliang ito maraming taon na ang nakalilipas sa isang maling pasiyang umakay sa kanila sa landas ng marami pang maling pasiya. Para naman sa iba, ang mga pagbabagong kailangang gawin ay hindi gaanong kapansin-pansin ngunit tunay ding kailangan.
Sa pagsisimula mo sa isang panibagong misyon ng pagsunod kay Kristong Hari, pagnilayan kung gaano ka kahandang magbago. Bukas ka bang makita nang mas malinaw ang mga pagkakamaling nagawa mo, at handa ka bang hayaang ibalik ka ng bagong Hari ng iyong buhay sa landas na patungo sa iyong walang hanggang kagalakan? Kung gayon, huwag mong asahang magiging madali ito o hindi mangangailangan ng pagbabago.
Isipin ang iyong kaluluwa bilang isang kahariang kamakailan lamang ay pinasok at pinamunuan ni Kristo. Ang pagpapaubaya at pagtitiwala sa bagong Banal na Pinunong ito ay nangangailangan ng matibay na pagpapasiyang magbago sa lalim na marahil ay hindi mo pa kailanman tinanggap. (Tahimik na Pagninilay)
Panimula sa mga Pagninilay para sa Adbiyento
- Isang Bagong Hari
- Kristong Hari
- Ganap na Pagsuko
- Ang Pangangailangan ng isang Tagapagligtas
- Ang Fiat ng Ina ng Diyos
- Ang Pagdalaw ng Ina at ng Anak ng Diyos
Tampok na Larawan: Si Kristo, Hari ng Sansinukob
