Tagalog

Panalangin para sa Pambansang Halalan

Makiisa sa pagdarasal ng panalanging ito araw-araw hanggang Nobyembre 5 para sa halalan sa Estados Unidos.

Kaluwalhati-luwalhatiang Diyos na Tatlong Persona,
Sa panahong ito ng matinding alitan sa aming daigdig, bumabaling kami sa Iyo.
Ipagkaloob Mo nang sagana ang Iyong biyaya.
Pagalingin Mo ang aming bayan, gabayan ang aming mga pinuno, pawiin ang lahat ng kadiliman at patatagin ang aming pag-ibig sa kapwa.

Sa araw na ito, mahal na Panginoon, nakikiisa ako sa lahat ng Iyong mga tapat na mananampalataya at iniaalay ko ang aking buhay sa Iyo.
Punuin Mo ang aking isip ng Iyong Katotohanan.
Patatagin Mo ang aking pasiya sa pamamagitan ng Iyong kalooban.
Pagkalooban Mo ang aking espiritu ng Iyong awa.

Sa araw na ito, mahal na Panginoon, nakikiisa rin ako sa Kasamahan ng mga Banal sa aking mga panalangin para sa Estados Unidos (aking bansa).
Nawa’y ang Iyong kalooban at tanging ang Iyong kalooban ang masunod sa aming halalan.
Nawa’y Ikaw at tanging Ikaw ang gumabay sa mga mambabatas at sa mga nasa katungkulang tagapagpaganap.
Nawa’y ang Iyong Katotohanan at tanging ang Iyong Katotohanan ang gumabay sa aming mga hukom.
Nawa’y Ikaw at tanging Ikaw ang gumabay sa bawat botante.

Kaawaan Mo ang aming dakilang bansa.
Pagkalooban Mo ang lahat ng mamamayan ng malinaw na patnubay sa pagtupad ng kanilang tungkuling sibiko.
Tulungan Mo ang lahat ng namumuno na palaganapin ang Iyong Kaharian.
Akayin Mo ang mga nasa midya tungo lamang sa Iyong Katotohanan.

Iligtas Mo ang buhay ng mga hindi pa isinisilang at wakasan ang aborsiyon.
Ipagsanggalang Mo ang aming kalayaan sa relihiyon.
Ipagsanggalang Mo ang mga walang-sala, mahihirap, napapabayaan at higit na walang kalaban-laban.
Aliwin Mo ang mga nagdurusa.
Tulungan Mo ang aming bansa na umunlad sa Iyong biyaya.

Inang Maria, maghari ka sa aming buhay at sa aming bansa.
San Jose, maging tagapagsanggalang ka namin ngayon at magpakailanman.
Mga Anghel ng Diyos, bantayan ninyo kami laban sa lahat ng kasamaan.

Kabanal-banalang Diyos na Tatlong Persona, kaawaan Mo kami.
Diyos Ama, kaawaan Mo kami.
Diyos Anak, kaawaan Mo kami.
Diyos Espiritu Santo, kaawaan Mo kami.

Amen.


Karagdagang mga Panalangin at Sanggunian:

Nobena sa Mahal na Birheng Maria, ang Kalinis-linisang Paglilihi
Patrona ng Estados Unidos

Mga Panalangin para sa Kapayapaan

Panalangin kay Kristong Hari

Nobena kay San Judas Tadeo
Para sa mga Kalagayan at Kasong Wala nang Pag-asa

Litanya ng Pagsusumamo

Lahat ng Panalangin

Mga Sanggunian ng Catholic Vote


Mga Panalangin para sa Espirituwal na Pakikibaka

Panalangin kay San Miguel Arkanghel

Panalangin ng Pagtatatak para sa Proteksiyon

Panalangin ng Pag-uutos

Panalangin para sa Paglilinis

Panalangin upang Gapusin & Bulagin ang mga Demonyo

Panalangin Laban sa Paghihiganti

Litanya sa Kamahal-mahalang Dugo ng Ating Panginoong Hesukristo

Rosaryong Batay sa Banal na Kasulatan


Mga larawan mula sa Adobe Stock: Pangunahin, Tampok

Ibahagi ang Pahinang Ito: