
San Miguel Arkanghel,
ipagtanggol mo kami sa labanan.
Maging tanggulan ka namin laban sa kasamaan at mga patibong ng Diyablo.
Sawayin nawa siya ng Diyos, mapagpakumbaba naming idinadalangin,
at ikaw naman,
O Prinsipe ng mga hukbo ng langit,
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos,
ibulid mo sa impiyerno si Satanas,
at ang lahat ng masasamang espiritu,
na gumagala sa daigdig
upang ipahamak ang mga kaluluwa.
Amen.