Tagalog

Panalangin ng Pag-uutos

Sa Kanyang pangalan at sa kapangyarihan ng Kanyang Krus at Dugo, hinihiling ko kay Hesus na igapos ang anumang masasamang espiritu, puwersa at kapangyarihan ng lupa, hangin, apoy, o tubig, ng daigdig sa ilalim at ang mga satanikong puwersa ng kalikasan.

Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at sa Kanyang awtoridad, hinihiling ko kay Hesukristo na sirain ang anumang sumpa, kulam, o mahika at ibalik ang mga ito sa pinagmulan, kung ito ang Kanyang Banal na Kalooban.

Isinasamo ko sa Iyo, Panginoong Hesus, na ipagsanggalang Mo kami sa pamamagitan ng pagbubuhos sa amin (sa aking pamilya, atbp.) ng Iyong Kamahal-mahalang Dugo na Iyong ibinuhos para sa amin. Hinihiling ko sa Iyo na iutos Mong ang anumang papaalis na espiritu ay umalis nang tahimik, nang walang kaguluhan, at dumiretso sa Iyong Krus upang gawin Mo sa kanila ang anuman ayon sa Iyong minamarapat.

Hinihiling ko sa Iyo na igapos ang anumang pakikisalamuha, pakikipag-ugnayan o komunikasyong demoniko.

Inilalagay ko si/ang N. (tao, lugar o bagay) sa ilalim ng pagsasanggalang ng Dugo ni Hesukristo na Kanyang ibinuhos para sa atin.

Amen.


Lahat ng Panalangin

Higit Pang mga Panalangin para sa Espirituwal na Pakikidigma

Itinatampok na Larawan: Fra Angelico, Si Kristo na Hukom

Ibahagi ang Pahinang Ito: