
O Diyos, aming mapagmahal na Ama, isinugo ninyo ang inyong Anak,
na si Jesucristo, sa mundong ito upang labanan
ang lahat ng puwersa ng kasamaan: kasalanan, pagdurusa at kamatayan,
at upang daigin ang kasamaan sa pamamagitan ng lakas ng kabutihan;
ang pagkapoot sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pag-ibig,
ang inyong dakilang pag-ibig sa amin kay Jesus.
ย
Tulungan ninyo kaming huwag kailanman sumpain ang kadiliman,
kundi makiisa sa inyo sa pagdadala
ng inyong liwanag sa mundong ito,
ang liwanag na siyang inyong Anak,
na isinilang ng Birheng Maria sa Betlehem.
Tulungan ninyo kaming maging mga kasangkapan ng inyong liwanag
at pag-ibig sa pamamagitan ng paggawa ng isang natatanging kabutihan
o ng pagiging inyong natatanging kasangkapan
ng pagkakasundo ngayong Bagong Taon.
ย
Nawa’y sumagisag ang Kandila ni Kristo na aming sinisindihan
sa aming hangaring magdala ng liwanag sa isang mundong nababalot ng kadiliman
at ng pag-asa sa isang mundong puno ng kawalang-pag-asa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.