Tagalog

PAGHIHIRAP

Lumapit ka sa Akin dala ang iyong mga pasanin.
Ilagay mo ang mga ito sa Aking paanan.
Ibigay mo ang mga ito sa Akin at hayaan mong baguhin Kita.

Labis ang iyong pagdurusa.
Hayaan mong tulungan Kita.

Kapag magulo ang iyong isipan dahil sa ligalig,
  hayaan mong palayain Kita mula rito.
Iaahon Kita mula sa iyong kawalan ng pag-asa.
Hayaan mong palayain Kita.

Magtiwala ka sa Aking pangakong ito, sapagkat ang hangarin Kong magkaroon ka ng kapayapaan ay higit kaysa sa anumang pagdurusang dinaranas mo.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: