Tagalog

MGA YAPAK

Ako ang iyong lakas,
  sapagkat ipagsasanggalang kita sa anumang nagbabanta sa iyo.
Hayaang balutin ka ng Aking pag-iingat at bigyan ka ng tapang
  at kapahingahan habang hinaharap mo ang iyong mga kalaban at kaaway.

Huwag hayaang mangibabaw ang takot sa iyong puso,
  sapagkat hindi nito naisasakatuparan ang Aking plano sa pamamagitan mo.
Magpakatapang ka lamang kung gayon,
  sapagkat Ako ay nasa iyong tabi.

Ako ang iyong lakas
  habang nagpapatuloy ka sa Aking gawain.
Bakit ka matatakot
  kung katotohanan ang Aking sinasabi?
Makadama ka ng kaaliwan sa tanong na ito,
  sapagkat ito ang katotohanan at ang Aking pangako sa iyo!

Huwag hayaang malihis ang iyong landas
  mula sa daang Aking itinakda.
Sapagkat hindi ka dadalhin ng iyong mga hakbang
  sa maling direksiyon.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: