Tagalog

ISANG KAHILINGAN

Hingin mo ang Aking tulong, sapagkat ito ay para sa iyo.
Huwag kang matakot sa naghihintay sa iyo,
  sapagkat hindi Ko hahayaang may kapahamakang sumapit sa iyo.

Dalhin mo ang iyong pagsamo sa Aking trono,
  at ipagkakaloob Ko ang iyong mga kahilingan.
Bukas-palad Ako sa iyo,
  sapagkat mahalaga sa Akin kung paano ka nasisiyahan sa iyong kaligayahan.

Ang mahalaga ay hindi ang sinasabi ng iba na makabubuti sa iyo
  kundi kung ano ang iyong mga hangarin para sa Akin.
Hayaang akayin ka ng iyong pagnanais sa Akin
  mula sa pag-aatubili
  tungo sa hayag na pananabik sa Aking presensya.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: