Tagalog

Ikalabing-apat na Araw: Pagpapalagay

Huwebes ng Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

Sa unang tukso, nagpatuloy si Satanas sa pagsasabi sa ating Panginoon, โ€œ…ipag-utos Mong maging mga tinapay ang mga batong ito.โ€ Napagnilayan na natin na nagsisimula ang tuksong ito sa isang tusong pagkuwestiyon sa pagkakakilanlan ni Jesus bilang Anak ng Diyos. Ngunit pagkatapos nito, nagkamali ang diyablo sa kaniyang pagpapalagay. Ipinagpalagay ng diyablo na gutom na gutom na si Jesus matapos mag-ayuno nang apatnapung araw at gabi, kaya agad Niyang sasamantalahin ang pagkakataong gawing tinapay ang mga bato upang mapawi ang Kaniyang gutom.

Una sa lahat, ipinakikita nito ang kahangalan ng diyablo. Tila iniisip ng diyablo na pipiliin ni Jesus ang pagkain para sa Kaniyang sikmura kaysa sa espirituwal na pagkain ng pagtupad sa kalooban ng Kaniyang Ama sa Langit, na natamo Niya sa loob ng apatnapung araw ng pananalangin at pag-aayuno sa tigang at malupit na kapaligiran ng ilang. Bagaman tinanggihan ng ating Panginoon ang tuksong ito, madalas naman natin itong kusang tinatanggap.ย 

Kapag minamasdan tayo ng diyablo at nagpapasiya siyang tuksuhin tayo, karaniwan niyang ipinagpapalagay na may kung anong uri ng gutom tayo at handa tayong gawin ang kinakailangan upang mapawi iyon. Ang gutom na ito ay hindi lamang para sa pagkain, kundi maaari ring tumukoy sa anumang di-wastong pagnanais nating matugunan. Matutuklasan mo ang mga di-wastong pagnanais na ito sa iyong sariling buhay sa pamamagitan ng paggunita sa mga bagay na pinakamadalas mong isipin, hindi mo maalis sa isip, matinding ninanais, o iniiwasan dahil sa pagkamakasarili. Nakalulungkot na madalas na tama ang diyablo tungkol sa atin. Madalas nating piliin kung ano ang pinakamadali at pinakakasiya-siya, nagbibigay-lugod, at agad na nakatutugon sa ating pagnanasa. Sinasabi sa atin ng diyablo, โ€œKarapat-dapat kang magpakasaya nang ganito. Pinaghirapan mo ito. Gantimpalaan mo ang iyong sarili.โ€ O maaari tayong tuksuhin ng diyablo sa pagsasabing, โ€œNapakahirap nito. Sobra naman ang hinihingi sa iyo. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili nang ganito.โ€

Dapat iisa lamang ang tuon ng bawat Kristiyano. Dapat nating piliin ang kalooban ng Diyos anuman ang mangyari, kahit na nangangailangan ito ng malaking sakripisyo. Upang mas madali natin itong magawa, dapat nating malaman kung anu-ano ang nagbibigay ng batayan sa diyablo upang magpalagay tungkol sa atin. Alam ba ng diyablo na palagi kang naghahanap ng kasiyahan sa pagkain o pag-inom? Kung gayon, tutuksuhin ka niya sa paraang iyon. Alam ba niyang nakikipaglaban ka sa katamaran? Kung gayon, gagamitin niya ito bilang isang taktika. Dapat nating layuning tukuyin ang mga tuksong inaakala ng diyablo na bibigyan natin ng daan, at sikaping dalisayin ang mga gawi nating iyon upang mabigo ang pagpapalagay ng masama.

Pagnilayan ang mga ipinagpapalagay ng diyablo tungkol sa iyo. Nang tuksuhin ang ating Panginoon na pawiin ang Kaniyang pisikal na gutom sa halip na manatiling tapat sa kalooban ng Ama na mag-ayuno Siya sa loob ng apatnapung araw at gabing iyon, madali ang naging pagpili Niya. Walang halaga kay Jesus ang pagbibigay-kasiyahan sa laman sapagkat taglay Niya ang isang higit na malalim na uri ng kaganapan bilang tao. Ang Kaniyang pagkain at kasiyahan ay ang paggawa ng kalooban ng Kaniyang Ama. Kailangan nating magsikap na tularan ang ating Panginoon at laging piliin ang kalooban ng Ama, anuman ang kapalit, kaysa sa madali, makalaman, o nagbibigay-layaw sa sarili. Kung gagawin natin ito, matutuklasan nating ang mga tukso ng diyablo ay hindi lamang walang saysay kundi kahangalan din.

Panginoon kong tinukso, inakala ng diyablo, sa kaniyang kahangalan, na maaakit Ka niyang bigyang-layaw ang Iyong gana matapos Kang mag-ayuno nang apatnapung araw. Maliwanag na hindi naunawaan ng diyablo ang tibay ng Iyong pasiyang ialay nang may pagsasakripisyo ang Iyong banal na buhay. Ang kahangalan ding iyon ng diyablo ang nagtulak sa kaniya na mag-udyok ng pagkapoot sa Iyo, na humantong sa Iyong pagkakapako sa krus. Ang Iyong kawalang-pagkamakasarili at sakripisyo ang laging nagkamit ng pangwakas na tagumpay. Ipagkaloob Mo po sa akin ang biyayang kailangan ko upang matularan Kita, nang magkaroon ako ng tapang at lakas na kailangan ko upang mapagtagumpayan ang kahangalan ng kasalanan at ang mga tukso ng masama. Jesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Tingnan din:ย Ikalabing-apat na Araw: 40 Araw sa Paanan ng Krus

Talaan ng mga Nilalaman

Higit Pa para sa Kuwaresma

Ibahagi ang Pahinang Ito: