
Mahal na Hesus, sa Sakramento ng Altar,
nawa’y pasalamatan at purihin Ka magpakailanman.
O Pag-ibig, na karapat-dapat sa lahat ng pag-ibig sa langit at sa lupa!
Ikaw na, dahil sa walang hanggan Mong pag-ibig sa akin,
na isang makasalanang walang utang na loob,
ay nag-angkin ng aming kalikasang pantao,
nagbuhos ng Iyong Kamahal-mahalang Dugo sa malupit na paghahagupit,
at nalagutan ng hininga sa isang kahiya-hiyang Krus para sa aming walang hanggang kapakanan!
Ngayong tinatanglawan ng buhay na pananampalataya,
buong kaluluwa at buong alab ng aking puso,
mapagpakumbaba akong nagsusumamo sa Iyo,
alang-alang sa walang hanggang mga merito ng Iyong mapapait na pagdurusa,
bigyan Mo ako ng lakas at tapang upang pawiin ang bawat masamang pagnanasang naghahari sa aking puso,
upang purihin Ka sa pamamagitan ng ganap na pagtupad sa aking mga tungkulin,
upang kapootan nang higit sa lahat ang bawat kasalanan,
at sa gayon ay maging isang Santo.
Amen.