Tagalog

Anima Christi

Kaluluwa ni Kristo, pabanalin Mo ako

Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako

Dugo ni Kristo, pakalasingin Mo ako

Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako

Pagpapakasakit ni Kristo, palakasin Mo ako

O mabuting Hesus, dinggin Mo ako

Sa loob ng Iyong mga sugat, ikubli Mo ako

Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo

Sa masamang kaaway, ipagtanggol Mo ako

Sa oras ng aking kamatayan, tawagin Mo ako

At utusan Mo akong lumapit sa Iyo

Upang purihin Kita kasama ng Iyong mga banal

at ng Iyong mga anghel

Magpakailanman.

Amen


Higit Pang mga Panalangin

Araw-araw na Pagninilay

Ibahagi ang Pahinang Ito: