Dalhin mo sa Akin ang iyong pagkadurog.
Palalayain kita.
Ibuhos mo ang sakit ng iyong puso.
Aalisin kita sa pagsubok.
Tanggapin mo Ako sa iyong puso,
sapagkat narito Ako upang tawagin mo.
Ano ang nais mo sa Akin?
Ano ang iyong kinagugutom?
Hayaang mamahinga sa Akin ang iyong kaluluwa.
Sa Akin matatagpuan ang iyong kapayapaan.
Hayaan mong pumasok ka sa Aking puso
at magising sa ningas Nito.
