Tagalog

ISANG PANGAKO

Kung paanong pinaiinit ng liwanag ng araw ang lupa,
  bibigyan Ko ng init ang iyong puso.

Aaliwin kita sa mga panahon ng pagdurusa.
Bibigyan kita ng karunungan sa mga panahon ng kalituhan.
Bibigyan kita ng pag-asa sa mga panahon ng kawalang-pag-asa.
Bibigyan kita ng ginhawa sa mga panahon ng pagdurusa.
Pahuhupain Ko ang iyong galit sa mga panahon ng kawalang-katarungan.
Magbibigay Ako ng proteksiyon sa mga panahon ng pag-uusig.

Kaya walang pangambang dapat mong pagtuunan ng pansin,
  sapagkat binabantayan kita.
Huwag mong hayaang lumago ang anumang takot sa iyong kalooban,
  sapagkat hindi ka bibiguin ng Aking mga pangako.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: