
Kunin Mo, Panginoon, at tanggapin ang buo kong kalayaan,
Ang aking gunita, ang aking pang-unawa
At ang aking buong kalooban,
Lahat ng taglay ko at tinatawag kong akin.
Ibinigay Mo sa akin ang lahat.
Sa Iyo, Panginoon, ibinabalik ko ito.
Ang lahat ay sa Iyo; gawin Mo rito ang anumang Iyong naisin.
Ipagkaloob Mo lamang sa akin ang Iyong pag-ibig at ang Iyong biyaya.
Sapat na iyon sa akin.
Amen.
Panalangin ni San Ignacio de Loyola
Tampok na larawan: Alessandro Franchi, CC BY 3.0, mula sa Wikimedia Commons
