Abutin mo Ako.
Hanapin mo Ako.
Hayaan mong pumasok Ako sa iyo.
Buksan mo ang iyong puso sa Akin.
Hayaan mong maghatid Ako sa iyo ng kapayapaan.
Dalhin mo sa Akin ang iyong mga takot.
Buksan mo ang iyong isip sa Akin.
Ipaubaya mo sa Akin ang iyong mga alalahanin.
Bitiwan mo ang iyong mga pag-aalinlangan.
Hayaan mong bigyan kita ng kapayapaan.
Bitiwan mo ang iyong mga takot.
Maging bahagi ka ng Aking sarili.
Sumapiling ka sa Akin.
Ipaubaya mo ang iyong sarili sa Akin.
Hayaan mong manahan Ako sa iyo.
Hayaan mong maging bahagi Ako ng iyong sarili.
Kilalanin at tanggapin mo Ako,
at ang buong AKO ay sa iyo ngayon.
Naghahatid Ako ng liwanag at kapayapaan
sa mga naghahangad ng mga kaloob na ito.
Nagbibigay Ako ng kagalakan sa mga nagnanais nito.
Hilingin mo ang mga pagpapalang ito,
at ipagkakaloob ang mga ito.
Hanapin mo ang Aking buhay,
at ibabahagi ito sa iyo.
Unawain mo ang Aking mga salita
at magalak sa mensahe ng mga ito.
Bumaling ka sa Akin nang buong puso,
at makikilala mo Ako.
Gumawa ka para sa Akin at maging bahagi ng Aking sarili.
Ang buong AKO at lahat ng ginagawa Ko
ay malalaman mo
kapag sumama ka sa Akin.
