Tagalog

MULING PINALAKAS

Magpakatatag ka sa iyong puso
  at maging mahinahon sa mahihina.
Magpuri ka sa Akin
  nang walang pag-aatubili at pag-aalinlangan.
Ipahayag mo ang Aking mga Salita
  sa mga nangangailangan ng kaaliwang dulot ng mga ito.
Manahimik ka sa harap ng mga
  ayaw makinig.
Maging mapagpasensya ka sa mga nagdurusa,
  sapagkat kailangan nilang maunawaan.
Maging mabait ka sa mga nababalisa,
  sapagkat nalilihis ang kanilang pansin mula sa Akin.

Ang pusong puspos ng Aking biyaya
  ay pupuspos sa iba na nangangailangang pagpalain.
Magpasakop ka sa layuning ito,
  at muling palalakasin ang iyong kaluluwa.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: