Ipaubaya mo sa Akin ang iyong mga suliranin.
Aalisin Ko ang mga ito sa iyo.
Bitiwan mo ang mga bumabagabag sa iyo.
Ibigay mo sa Akin ang mga ito.
Kapag naghahanap ka ng mga kasagutan
at hindi mo matiyak kung aling landas ang tatahakin,
ipagkatiwala mo ang iyong sarili sa Akin,
at ituturo Ko sa iyo ang daan.
Huwag kang mag-atubili o magpaliban sa paghingi ng Aking tulong,
sapagkat ito ay para sa iyo.
Kinakailangan ang iyong mga pagdududa at pag-aatubili;
ngunit huwag mong patagalin ang mga panahong ito,
sapagkat ibibigay sa iyo ang Aking tulong ayon sa iyong pangangailangan.
Hingin mo ang tulong na ito,
at ipagkakaloob ito sa iyo.
Ipaubaya mo sa Akin ang iyong mga pagdududa at takot,
at babaguhin Kita.
Ano ang napapala mo sa iyong mga alalahanin?
Ipagkatiwala mo sa Akin ang mga ito,
at bibigyan Kita ng kapayapaan.
Itinatakwil ba ng isang ama ang anak na nangangailangan ng kanyang tulong?
Binabalewala ba ng isang ina ang kanyang sanggol kapag ito ay may sakit?
Hindi. Kinakalinga ng isang ama ang kanyang anak
at binibigyan niya ito ng patnubay
upang hindi ito magdusa.
Inaalagaan ng isang ina ang kanyang sanggol
hanggang sa gumaling ito.
Gayon din ang gagawin Ko para sa iyo.
