Maglaan ng panahon sa pananalangin,
sapagkat ito ang paraan upang makapasok ka sa Aking mga landas.
Hanapin ang Aking presensya sa iyong piling,
sapagkat ito ang paraan upang ikaw ay mapalakas.
Humugot ng lakas mula sa Aking presensya,
sapagkat ito ang paraan upang makayanan mo ang mga pangyayaring
naglalayo sa iyo sa Aking presensya.
Huwag gawing masalimuot ang iyong mga layunin,
sapagkat iisa lamang ang dapat mong pagtuunan:
ang higit na maging kapiling Ko.
Ang lahat ng iba pang gawain ay dapat sumunod sa direksyong ito.
