Ituon ang iyong pansin sa kabutihang
nakikita mo sa bawat araw.
Taon-taon, ang mga pangyayaring ito
ay ibinibigay upang iyong ikagalak.
Ito ay upang makumbinsi ka
sa Aking presensya.
Maging ang iyong mga paghihirap
ay may taglay na kabutihan.
Hanapin ang mga tandang ito
bago mo hatulan ang mga pangyayaring hinaharap mo sa bawat araw.
Ikagalak ang mga bunga ng mga tandang ito
at maniwala sa Aking kabutihan,
sapagkat ito ay katotohanan.
Ang bawat oras ng maghapon
ay nag-aalok ng isang tanda mula sa Akin.
Sa bawat araw ng iyong buhay,
Ako ay naroroon.
Ikagalak ang mga pangyayaring ito
at magtiwalang lagi mo Akong kasama.
Hayaang mapalakas ka
ng iyong mga nasasaksihan.
Maniwala sa iyong nakikita.
Hayaang ang iyong pananampalataya at pag-asa
ay lumago dahil sa Aking presensya
sa bawat araw ng iyong buhay.
Mababawasan ang iyong mga alalahanin
habang lumalago ang iyong pagtitiwala sa Akin.
Lalo pang lalago ang iyong pananampalataya
habang tinatanggap mo ang Aking presensya.
