Tagalog

Litanya ng mga Panalangin sa Umaga

Pagkagising sa umaga, sabihin:ย 

O Diyos ko, ang aking tanging kabutihan, ang maylikha ng aking pagkatao at ang aking huling hantungan, iniaalay ko sa Iyo ang aking puso. Sa Iyo ang papuri, karangalan, at kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Amen.ย 

Sa pagbangon, sabihin:ย 

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Babangon ako mula sa higaan kong ito upang sambahin ang aking Diyos at magsikap para sa kaligtasan ng aking kaluluwa. O nawa’y mabuhay akong muli sa huling araw tungo sa buhay na walang hanggan.ย 

Pagkabihis, lumuhod at sabihin:ย 

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Purihin ang banal at di-nahahating Santatlo, ngayon at magpasawalang hanggan. Santo, santo, santo, Panginoong Diyos ng mga hukbo!ย  Napupuno ang lupa ng Iyong Kaluwalhatian.ย  Luwalhati sa Ama; Luwalhati sa Anak; Luwalhati sa Espiritu Santo.ย 

 

PANALANGIN NG PAGSAMBA

O dakilang Diyos, Kataas-taasang Panginoon ng Langit at Lupa, nagpapatirapa ako sa harap Mo. Kasama ng lahat ng mga anghel at mga banal, sinasamba Kita. Kinikilala Kita bilang aking Maylikha at Kataas-taasang Panginoon, aking unang pinagmulan at huling hantungan. Inihahandog ko sa Iyo ang pagpupugay ng aking buong pagkatao at buhay. Ipinapasakop ko ang aking sarili sa Iyong banal na kalooban, at itinatalaga ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Iyo sa araw na ito at magpakailanman. Nais at niloloob kong makamit sa araw na ito ang lahat ng indulhensiyang maaari kong makamit.ย 

 

PAGHAHANDOG SA UMAGA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO

O Panginoong Hesukristo, noong narito Ka sa lupa, pinuri Mo ang Ama sa pamamagitan ng Iyong Kamahal-mahalang Puso.ย  Ngayon, patuloy Mo Siyang pinupuri sa Sakramento ng Eukaristiya sa lahat ng dako, hanggang sa katapusan ng daigdig.ย ย 

Kaisa ng Iyong banal na paghahandog, iniaalay ko sa Iyo sa buong araw na ito ang lahat ng aking layunin at kaisipan, lahat ng aking damdamin at hangarin, lahat ng aking salita at gawa.ย  At nangangako akong wala akong ipagkakait sa Iyo, kahit ang kaliit-liitang bahagi, O Panginoon.

 

PANALANGIN NG PANANAMPALATAYA

O Diyos ko! Buong tatag kong sinasampalatayanan ang lahat ng banal na katotohanang pinaniniwalaan at itinuturo ng Iyong banal na Simbahang Katolika, sapagkat Ikaw ang nagpahayag ng mga ito, at hindi Ka maaaring manlinlang ni malinlang.

 

PANALANGIN NG PAG-ASA

O Diyos ko! Sa pagtitiwala sa Iyong walang hanggang kabutihan at mga pangako, umaasa akong makakamit ang kapatawaran ng aking mga kasalanan, ang tulong ng Iyong biyaya, at ang buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng mga merito ni Hesukristo, na aming Panginoon at Tagapagligtas.

 

PANALANGIN NG PAG-IBIG

O Diyos ko! Iniibig Kita nang higit sa lahat, nang buong puso at kaluluwa, dahil lamang sa Ikaw ay walang hanggang ganap at karapat-dapat sa lahat ng pag-ibig. Iniibig ko rin ang aking kapwa gaya ng aking sarili dahil sa pag-ibig ko sa Iyo. Pinatatawad ko ang lahat ng nagkasala sa akin at humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawan ko ng kasalanan.

 

PANALANGIN NG PASASALAMAT

O maluwalhating Santatlo! Pinupuri Kita at pinasasalamatan sa di-mabilang na mga biyayang ipinagkaloob Mo sa akin. Nagpapasalamat ako sa Iyo, O Amang nasa Langit, sa paglikha Mo sa akin ayon sa Iyong sariling larawan at wangis, at sa pag-iingat Mo sa akin hanggang sa araw na ito. Nagpapasalamat ako sa Iyo, O mahabaging Anak, sa pagtubos Mo sa akin sa pamamagitan ng Iyong kamatayan, at sa napakadalas Mong pagpapakain sa akin ng Iyong mahal na Katawan at Dugo. Nagpapasalamat ako sa Iyo, O Espiritu Santo, sa paglilinis Mo sa aking kaluluwa sa pamamagitan ng Iyong biyaya sa banal na binyag, sa pagtawag Mo sa akin sa tunay na pananampalataya, at sa napakadalas Mong paghuhugas sa aking mga kasalanan sa Sakramento ng Kumpisal. Nagpapasalamat ako sa Iyo, O Diyos na bukal ng lahat ng biyaya, sa pag-iingat Mo sa akin sa gabing nagdaan, at sa pagkakaloob Mo sa akin ng araw na ito upang paglingkuran Ka. Buong taimtim kong inaanyayahan ang lahat ng mga banal sa Langit at Lupa na makiisa sa akin sa pagpupuri at pasasalamat sa Iyong walang hanggang kabutihan.ย 

Huminto sandali at alalahanin ang mga kasalanang maaaring pinakamahirap mong labanan sa araw na ito, at buong tatag na magpasiyang iwasan ang mga ito.ย 

O karapat-dapat sambahing Hesus! Banal na huwaran ng kaganapang dapat nating mithiin! Sisikapin kong tularan Ka sa araw na ito; maging mahinahon, mapagpakumbaba, malinis ang puri, masigasig, matiisin, mapagkawanggawa at mapagpasakop. Ikiling Mo ang aking puso sa pagtupad ng Iyong mga utos. Buo ang aking pasiyang bantayan ang aking sarili nang buong pagsisikap, at mula ngayon ay mamuhay nang may pagpipigil sa sarili, katarungan at kabanalan. Mag-iingat ako sa aking mga gawi, upang hindi ako magkasala sa aking pananalita. Ilalayo ko ang aking mga mata upang hindi makakita ng mga bagay na walang kabuluhan, at lalo akong mag-iingat upang hindi muling mahulog sa araw na ito sa nakagawian kong mga pagkukulang, kundi labanan ang mga ito sa tulong ng Iyong biyaya. Liwanagan Mo ang aking isip, dalisayin Mo ang aking puso at gabayan Mo ang aking mga hakbang, upang maiukol ko ang buong buhay ko sa banal na paglilingkod sa Iyo. Amen.

Higit Pang mga Panalangin

Araw-araw na Pagninilay


Larawan sa pahinang ito

Mga panalanging iniangkop mula sa “โ€ŠThe Catholics Pocket Prayer Book, na inilathala noong 1899.

Imprimatur:
MICHAEL AUGUSTINE,
Arsobispo ng New York.
New York, Okt. 13, 1899.

Ibahagi ang Pahinang Ito: