Tagalog

Litanya kay Kristong Hari

Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan at pagka-Diyos at karunungan at kalakasan at karangalan;

Sumakanya ang kaluwalhatian at paghahari magpasawalang hanggan.

Maghahari Siya mula sa dagat hanggang sa dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.

Sasamba sa Kanya ang lahat ng hari, maglilingkod sa Kanya ang lahat ng bansa. Panginoon, maawa Ka sa amin.

Kristo, maawa Ka sa amin. Panginoon, maawa Ka sa amin. Kristong Hari, pakinggan Mo kami.

Kristong Hari, dinggin Mo kami.

Diyos, aming Amang nasa Langit, na nagtatag sa Trono ng Iyong Anak magpakailanman, maawa Ka sa amin.

Diyos Anak, Hesus, aming Hain at Dakilang Saserdote, Tunay na Propeta, at Kataas-taasang Hari, maawa Ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo, na ibinuhos sa amin nang may masaganang pagpapanibago, maawa Ka sa amin.

Santisima Trinidad, Tatlong Persona ngunit Iisang Diyos sa Kagandahan ng Iyong Walang Hanggang Pagkakaisa, maawa Ka sa amin.

O Hesus, aming Haring Walang Hanggan, maghari Ka sa aming mga puso.

O Hesus, Haring Lubhang Maawain, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, na iniaabot sa amin ang Gintong Setro ng Inyong Awa, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, na sa Inyong Dakilang Awa ay ipinagkaloob sa amin ang Sakramento ng Kumpisal, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, mapagmahal na Hari na nag-aalok sa amin ng Inyong Biyayang Nagpapagaling, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, aming Hari sa Eukaristiya, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, ang Haring ipinahayag ng mga propeta, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Hari ng Langit at lupa, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Hari at Pinuno ng Lahat ng Bansa, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Kaluguran ng Korte sa Langit, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring Lubhang Mahabagin sa Inyong mga nasasakupan, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, na sa Inyo, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, kami ay Iisa, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring ang Kaharian ay hindi sa mundong ito, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring ang Kamahal-mahalang Puso ay nag-aalab sa Pag-ibig para sa buong sangkatauhan, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring siyang Simula at Wakas, ang Alpha at ang Omega, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nagkaloob sa amin kay Maria, ang Reyna, upang maging aming minamahal na Ina, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring darating sa mga ulap ng Langit na may Kapangyarihan at Dakilang Kaluwalhatian, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring ang Trono ay dapat naming lapitan nang may pagtitiwala, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring tunay na naroroon sa Kabanal-banalang Sakramento, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nagtalaga kay Maria bilang Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nagtalaga kay Maria bilang Katuwang na Manunubos, ang Inyong katuwang sa Plano ng Kaligtasan, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nagnanais na pagalingin kami mula sa lahat ng pagkakahati-hati at kawalan ng pagkakaisa, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nasugatan ng kawalang-malasakit ng sangkatauhan, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring nagbibigay ng balsamo ng Inyong Pag-ibig upang maaliw ang Inyong Sugatang Puso, maghari Kayo sa aming mga puso.

O Hesus, Haring siyang dakilang AKO NGA sa aming kalooban, ang aming Bukal ng Dalisay na Kagalakan, maghari Kayo sa aming mga puso.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, Tunay na Kataas-taasang Pinuno ng lahat ng kapangyarihan sa lupa, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na magpakailanmang nagpapasakop sa ilalim ng Iyong mga paa sa mga kapangyarihan ng impiyerno, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, ang Liwanag na higit sa lahat ng liwanag, na tumatanglaw sa amin sa kadilimang nakapaligid sa amin, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na ang Awa ay lubhang Dakila anupa’t nagpapagaan sa mga parusang nararapat sa aming mga kasalanan, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na kinilala ng mga Pantas bilang Tunay na Hari, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, ang Tanging Lunas para sa daigdig na lubhang may sakit, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na nagkakaloob ng Kapayapaan sa mga kaluluwa at mga bansang kumikilala sa Iyo bilang Tunay na Hari, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na buong Awang nagsusugo sa amin ng Iyong mga Banal na Anghel upang pangalagaan kami, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na ang Pangunahing Prinsipe ay si San Miguel Arkanghel, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na nagtuturo sa amin na ang maghari ay ang maglingkod, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, Makatarungang Hukom na magbubukod sa masasama mula sa mabubuti, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na sa harap Mo ay luluhod ang bawat tuhod, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na ang Paghahari ay walang hanggan, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, Korderong magpapastol sa amin, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na matapos pawiin ang bawat paghahari, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na ang Paghahari ay walang katapusan, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Hesus, Hari ng Lahat ng mga Bansa, na ang kagandahang-loob sa amin ay di nagmamaliw, at ang katapatan ay nananatili magpakailanman, nawa’y paglingkuran Ka namin.

Amang Walang Hanggan, na nagkaloob sa amin ng Iyong Bugtong na Anak upang maging aming Manunubos, Nag-iisang Tunay na Tagapamagitan, at Kataas-taasang Hari, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan.

Mapagmahal na Hesus, Kataas-taasang Hari, na nagpakababa dahil sa Pag-ibig Mo sa amin at nag-anyong alipin, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan.

Espiritu Santo, Ikatlong Persona ng Santisima Trinidad, Pag-ibig ng Ama at ng Anak, na nagpapabanal sa amin at nagbibigay sa amin ng Buhay, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan.

Maria, aming Reyna at Ina, na namamagitan para sa amin kay Hesus, ipanalangin Mo kami.

Maria, aming Reyna at Ina, na sa pamamagitan Mo ay dumarating sa amin ang lahat ng Biyaya, ipanalangin Mo kami.

Maria, aming Reyna at Ina, Natatanging Hiyas ng Santisima Trinidad, minamahal Ka namin.

Mga Banal na Anghel at mga Santo ng aming Banal na Hari, ipanalangin ninyo kami at pangalagaan.

Diyos na makapangyarihan sa lahat at walang hanggan, na sa Iyong minamahal na Anak, ang Hari ng buong daigdig, ay niloob Mong panibaguhin ang lahat ng bagay,

ipagkaloob Mo sa Iyong awa na ang lahat ng angkan ng mga bansa, na nasugatan ng kasalanan, ay mapasailalim sa Kanyang napakamaamong paghahari,

Na nabubuhay at naghahari kasama Mo sa pagkakaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan.

R. Amen.


Higit Pang mga Panalangin

Araw-araw na Pagninilay

Ibahagi ang Pahinang Ito: