Tagalog

PAGSUNOD

Sundin mo ang Aking mga daang inilatag sa iyong harapan.
Hayaang ang iyong landas ay makasumpong ng daan sa Akin.

Ituon mo sa Akin ang iyong patutunguhan
  at huwag mong hayaang malihis ang iyong landas.

Naitakda na ang iyong tatahakin,
  at ang iyong layag ang gagabay sa iyong landas.
Ligtas kang iuuwi ng iyong barko;
  hayaang maging Akin ang paglalayag na ito.

Ang iyong direksiyon ang aakay sa iyo.
Ang iyong pagsisikap ang magpapatatag sa iyo.
Ang iyong tatahakin ay kalulugdan Ko sa pagtatapos ng iyong paglalakbay.
Nalulubos ang iyong paglalakbay
  sa pagsapit mo sa dulo ng paglalakbay na ito.

Susunod na Pagninilay

Talaan ng mga Nilalaman

Ibahagi ang Pahinang Ito: