Tagalog

Panalangin sa Espirituwal na Pakikinabang

O Hesus ko,

Naniniwala akong Ikaw

ay naroroon sa Kabanal-banalang Sakramento.

Iniibig Kita nang higit sa lahat,

at ninanais kong tanggapin Ka sa aking kaluluwa.

Yamang hindi ko magawa sa sandaling ito

na tanggapin Ka sa sakramental na paraan,

pumarito Ka man lamang sa aking puso sa espirituwal na paraan.

Niyayakap Kita na para bang naroroon Ka na

at lubusan kong iniuugnay ang aking sarili sa Iyo.

Huwag Mong ipahintulot kailanman na ako ay mahiwalay sa Iyo.

Amen.
Ibahagi ang Pahinang Ito: