Tagalog

Panalanging Pagninilay para sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay

Aleluya! Ang lahat ng kaluwalhatian, papuri at karangalan ay sa Iyo, O Panginoong Hesus na Lubhang Maluwalhati! Bumangon Ka mula sa libingan, nilupig Mo ang kasalanan at kamatayan, binuksan Mo ang mga pintuan ng Langit! Aleluya! Ang lahat ng papuri at karangalan ay sa Iyo, O Panginoong Hesus na Lubhang Maluwalhati!

Panginoon ko, nanunumbalik ang pag-asa, napupuspos ng kagalakan at pananabik ang maraming puso habang tahimik, banayad at maluwalhati Kang muling nabubuhay mula sa mga patay at naghahatid ng bagong buhay sa mundong ito na nahulog sa kasalanan. O mahal na Hesus, pagkalooban Mo ako ng mga mata ng pananampalataya upang makita ko at paniwalaan ang Iyong Muling Pagkabuhay. Tulungan Mo akong makilala ang mga bunga ng Iyong tagumpay sa aking buhay. Habang nakikilala Kita, aking Panginoong muling nabuhay, tulungan Mo akong ipagkatiwala sa Iyo ang buo kong pagkatao at ang lahat ng inaasam kong maging. Tulungan Mo akong magtiwala sa saganang Awa na dumadaloy mula sa Iyong kaluluwang muling nabuhay.

Mahal na Panginoon, tulungan Mo akong lalong makapasok sa misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay sa walong araw na pagdiriwang na ito ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Dalangin ko na ang bawat araw ng Oktabang ito ay maging araw ng paglalim ng pagtitiwala at pakikipagkaisa sa Iyo sa kaluwalhatian ng Iyong Muling Pagkabuhay.

Panginoon ng Awa, habang naghahanda ang aming Simbahan para sa maluwalhating pagdiriwang ng Awa na ibinubuhos sa natatanging paraan sa ikawalong araw ng Oktabang ito, sa Linggo ng Banal na Awa, tulungan Mo akong buksan ang aking puso nang higit kaysa dati sa kasaganaan ng Biyaya at Awa na nais Mong ipagkaloob. Ibuhos Mo ang Iyong Awa sa aking buhay at sa buhay ng lahat ng Iyong mga anak. Iniaalay ko sa Iyo ang aking pamilya, mga kaibigan, pamayanan at ang buong mundo. Idinadalangin ko ang mga mananampalataya, ang makasalanan, ang mga naliligaw at nalilito, ang kaparian, ang aming Santo Papa at ang lahat ng Iyong minamahal na mga anak. Nawa’y buong pananabik at pag-asa naming hintaying lahat ang kasaganaan ng biyayang nais Mong ipagkaloob.

Hesus kong Maawain na Muling Nabuhay, nagtitiwala ako sa Iyo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo!

Aleluya! Ang lahat ng kaluwalhatian, papuri at karangalan ay sa Iyo, O Panginoong Hesus na Lubhang Maluwalhati! Bumangon Ka mula sa libingan, nilupig Mo ang kasalanan at kamatayan, binuksan Mo ang mga pintuan ng Langit! Aleluya! Ang lahat ng papuri at karangalan ay sa Iyo, O Panginoong Hesus na Lubhang Maluwalhati!

Higit pa tungkol sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Panalangin & Pagninilay para sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay

Rosaryo – Mga Misteryo ng Luwalhati (may mga sipi mula sa Banal na Kasulatan)

Nobena bilang paghahanda sa Linggo ng Banal na Awa (Ikatlo hanggang ikasiyam na araw ng nobena)

Iba Pang mga Panalangin para sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay:

Pagpapahayag ng Pasko ng Pagkabuhay – Exsultet!

Litanya sa Banal na Awa ni Santa Faustina

Pagtitiwala sa Banal na Awa


Lahat ng Pang-araw-araw na Pagninilay para sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Pagninilay sa Banal na Awa

Ibahagi ang Pahinang Ito: