Tagalog

Halina, Espiritu Santo

Halina, Espiritu Santo, 

punuin Mo ang mga puso ng mga sumasampalataya sa Iyo 
at pagningasin sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig. 
Isugo Mo ang Iyong Espiritu 
at sila ay malilikha. 
At papanibaguhin Mo ang mukha ng lupa. 
 
O Diyos, na sa pamamagitan ng liwanag ng Espiritu Santo, 
ay nagturo sa mga puso ng mga sumasampalataya, 
ipagkaloob Mong sa pamamagitan din ng Espiritu Santo 
kami ay maging tunay na marunong at laging magalak sa Kanyang mga pag-aliw, 
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
 
Amen.
Ibahagi ang Pahinang Ito: